|
Hindi patas ang mundo, kailangan mong tanggapin ito.
Sa mundong puno ng takot
pangamba sa puso ang bumabalot.
Sa mundong puno ng pighati
tila lagi akong sawi.
Kailan makakamtan
tagumpay na inaasam?
Kailan makakamit
pangarap na palagi kong sambit?
Bakit laging bigo?
dahila’y di mapagtanto.
Bakit laging mali,
kailan kaya ako magwawagi?
Hindi lahat ng tama ay mabuti, pero lahat ng mabuti ay tama.
kanina pa ako nag-iisa.
pak na pak :)
(via teenagerposts)
Dahil matagal akong hindi nakapagsulat, madami akong sasabihin ngayon. Madaming-madami. Maaring wala kang pakialam pero gusto ko lang talagang ibahagi ang nilalaman ng utak ko.
Wala akong iphone, pero masaya ako.
Wala akong lovelife, pero masaya ako.
Wala akong bestfriend na matagal ko ng hinihiling kay god, pero masaya ako.
Wala akong sexy at magandang katawan, pero masaya ako.
Wala akong mala-dyosang mukha at makinis na kutis, pero masaya ako.
Failed ako sa studies ko, pero masaya ako.
Wala sya, pero masaya ako.
Hindi ako perpekto, pero masaya ako.
Madaming bagay ang sumisira sa buhay ko. Simulan na natin sa dambuhalang katawan ko, sa pangit na mukha ko, sa malungkot na lovelife ko, sa palpak na grades ko, sa perang nasasayang dahil sa walang kwentang paggastos ko, at sa utak at puso kong hindi ko makontrol sa kung ano at sino ang kailangan ko sa buhay ko. Lahat yan pinoproblema ko. Lahat yan pinapasan ko araw-araw. Pero bakit nagagawa ko pa rin ngumiti? Bakit palagi pa rin akong masaya? Bakit punung-puno pa rin ako ng pag-asa?
Kasi alam ko na may isang tao na alam ko na dahilan sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Ang Diyos.
Maraming bagay ang pwede kong isumbat sa kanya. Pero mas marami ang dapat ipagpasalamat ko sa kanya. Totoong mukhang basura lang ang tingin sa akin ng tao. Pero alam ko sa mata ng Diyos maganda at may silbi ako sa mundo. Noon palagi akong umiiyak at nasasaktan dahil wala ako ng mga bagay na meron sila. Umiiyak dahil palagi akong nag-iisa. Natatakot dahil nawawalan ako ng pag-asa. Pero kinabukasan, nagagawa ko pa rin ngumiti at maging masaya. Alam mo kung bakit? kasi sa bawat araw pala na gigising ako, binigay yun ng Diyos bilang isang bagong pagkakataon. Pagkakataon para magsimula muli at gumawa ng makabuluhang bagay. Pagkakataon upang maghilom ang sugat sa masakit na nakaraan. Pagkakataon para bumawi sa mga nabigong karanasan. Pagkakataon upang gawin ang dapat gawin at sabihin ang dapat sabihin.
Ang bawat paggising ay makabuluhan. Kaya’t hindi natin dapat sinasayang para sa masasakit na bagay lang. Simple lang naman ang buhay para problemahin. Hindi ito kasing hirap na math o kasing komplikado ng science. Simple lang. Kung saan ka masaya, doon ka. Normal lang masaktan, mabigo, malungkot, magalit at matakot. Parte yan ng buhay. Ang hindi normal ay ang kulungin mo ang sarili mo sa takot at pangamba. Tingnan mo ang buhay bilang pag-asa, hindi bilang isang problema.
(via teenagerposts)
Madaming dahilan para maging malungkot, pero mas marami ang paraan para maging masaya.
S C A L E M O D E L I N T H E M A K I N G (: